NADAL SIBAK SA TOP 5 SA ATP RANKINGS

PARIS, France — Natanggal si dating world number one Rafael Nadal sa top five sa ATP rankings na inilabas noong Lunes habang umangat si Spanish teenager Carlos Alcaraz, na pinaniniwalaang susunod sa yapak ng kanyang kababayan, ng 17 puwesto sa 38.

Si Nadal ay hindi pa naglalaro magmula nang matalo kay Novak Djokovic sa French Open semifinals dahil sa foot injury at ngayon ay nalaglag sa sixth sa rankings.

Napanatili naman ni Djokovic ang number one spot sa kabila ng kanyang pagkatalo kay second-ranked Daniil Medvedev noong Linggo sa US Open final.

Bumaba rin ang rankings ni Dominic Thiem sa sixth mula sa eighth dahil sa wrist injury na pumigil sa kanya na depensahan ang kanyang titulo sa New York.

Kuminang si Alcaraz sa US Open kung saan siya ang pinakabatang men’s quarterfinalist sa loob ng 58 taon subalit dahil sa thigh injury ay naputol ang kanyang run at nag-retire siya sa last-eight clash kay Felix Auger-Aliassime ng Canada.

Ang iba pa sa top 5 ay sina Daniil Medvedev (RUS) 10780; Stefanos Tsitsipas (GRE) 8350; Alexander Zverev (GER) 7760; at  An-drey Rublev (RUS) 6130 (+2).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *