NAIA BINUKSAN NA

NAIA

BINUKSAN  na kahapon ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos ipa­sara nitong  Linggo  dahil sa paga-alboroto ng  Taal Volcano.

Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, partially open pa lang ang NAIA para mapagbigyan ang  departing aircraft  at alas 12:00 ng tangahali kahapon ay isinunod ang  mga parating na eroplano.

Kaugnay nito  ay nagpaalala si Monreal sa mga  papaalis na pasahero  na makipag-ugnayan sa  kanilang airline  tungkol sa rebooking  bago magtungo ng airport.

Bago binuksan ang NAIA  kahapon ay  nagpakalat  ng  MIAA firetrucks at  sweepers   upang linisin ang runways at rampa mula sa  mga abong bumagsak mula sa Taal Volcano.

Nakipag-ugnayan  ang MIAA sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at nagkaroon ng initial briefing sa pagitan nina DOTr Secretary Tugade by airport general Manager Ed Monreal kasama si CAAP Director General Jim Sydiongco.

Ipinarating nina Monreal and CAAP Director General Jim Sydiongco kay DOTr Secretary Tugade ang mga ash fall sa runways at ma­ging sa mga ramps, kung kayat napilitan sila na ipasara ito kahapon.

Ipinag-utos din ni Monreal sa MIAA Emergency Department na lahat ng MIAA firetrucks ay tumulong sa paglilinis ng runway at makipag-coordinate sa local fire department kung kinakailangan. FROILAN MORALLOS

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *