NATIONWIDE MALL SALE OK BA O HINDI?

edwin eusebio

Aarangkada na raw sa Marso,

Nationwide Mall Sale saan mang dako.

Pagkakataon daw itong makahikayat ng mga tao

Magtungo sa mga  Mall at mamili nang todo.

 

Layunin pa  nito ay makahimok ng mga lokal na turista.

Maengganyo  sila sa mga panindang de kalidad at Mura,

Gayundin ay upang maalis at tuluyan nang mabura…

Sa isip, ang takot sa COVID-19  na ikinabahala ng Balana.

 

Hindi kaya naisip ng mga may Pakulo…

Mall Sale ay maaaring magpalala sa delubyo,

Sa pagdagsa ng mga Consumer at pagsisiksikan ng mga ito,

Mas nanganganib na makahawa ang Virus na perhuwisyo!

 

Bukod rito ay hindi maitatanggi at maikakaila…

Ang pasakit na idudulot ng mabigat na trapiko ay tiyak na nga.

Kaya nga kahit maganda ang Mall Sale na Panukala…

Alahoy, pag-isipan n’yo muna ito bago ituloy at isagawa.

 

Kaya nga panawagan sa mga kinauukulan…

Sa Departamento ng Turismo at sa DOH na katuwang,

Kahit ano pa ang pag-iingat na gagawin diyan…

Ang Virus ay hindi nakikita at tunay na Mahirap kalaban.

 

Kaya nga nagkaisa rin sa kanilang mga panawagan…

Ang United Consumers and Commuters na samahan,

Maging ang Lawyers for Commuters and Safety Protection

Nagsanib sa pakiusap na dapat munang pag-isipan…

 

Ang Mall Sale, Ok ba o Hindi sa Taumbayan?



(Si Edwin Eusebio ay araw-araw na naririnig sa DWIZ 882 am Radio)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *