NBA: UTAH JAZZ FOR SALE NG $1.6-B

Adrian Wojnarowski

ANKARA – Ipinagbibili ang Utah Jazz sa halagang halos USD2 billion, ayon sa isang senior NBA insider.

“The Miller family has entered into an agreement to sell the Utah Jazz and Vivint Arena to Qualtrics founder Ryan Smith for more than USD1.6 billion, sources told ESPN,” pahayag ni Adrian Wojnarowski sa ESPN website.

Ayon sa Forbes magazine, ang Qualtrics ay isang Utah-based experience management company na itinatag ni Smith noong 2002.

Umaabot sa 1,800 ang mga empleyado nito at may mga tanggapan sa Seattle at Dublin, Ireland.

Noong 2020, nakalikom ito ng mahigit sa USD25 million para sa cancer research sa pakikipagpartner sa Jazz.

Pag-aari ng pamilya Miller ang Jazz sa loob ng  35 taon kung saan nagwagi ang koponan ng dalawang Western Confer-ence titles, noong 1997 at 1998, ngunit hindi pa nanalo ng NBA championship.

Ang Jazz ay naglalaro sa home sa 20,000-seat Vivint Smart Home Arena sa Salt Lake City, Utah.

Samantala, sinabi ni Wojnarowski na nakatakdang pumirma si dating Houston Rockets general manager Daryl Morey sa Philadelphia 76ers bilang head ng basketball operations ng Eastern Conference team.

Si Morey, 48, ay nagsilbi sa Rockets organization mula 2007 hanggang 2020. (Anadolu)

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *