NCAA: SAGUIGUIT BAGONG COACH NG PERPETUAL HELP

Mike Saguiguit

SI BAGONG hirang na coach Mike Saguiguit na kaya ang makapagbigay sa University of Perpetual Help ng unang titulo sa NCAA?

Marami nang coach ang humawak sa nasabing unibersidad,  kasama na sina UAAP certified winner Aric del Rosario at NCAA champion Frankie Lim subalit bigo pa rin ang Perpetual Help na masungkit ang unang NCAA crown magmula nang sumali ang Las Pinas-based school sa liga noong 80s.

Pinalitan ng 46-anyos na si Saguiguit si Lim, na nag-resign noong Setyembre makaraang gabayan ang Altas sa nakalipas na dalawang seasons. Si Saguiguit ay nagsilbing interim coach ng koponan magmula nang umalis si Lim.

“Thanks to [the] Perpetualite community for trusting me to handle the senior’s basketball program of our dear Alma Mater, University of Perpetual Help, to sir Tony, boss Anton, sir Anthony and boss Richard,” sabi ni Saguiguit.

“I will do my best to uplift our University our color, maroon and gold to the next level of competence. Come and support our dear Alma Mater on this basketball season.”

Umaasa naman si Anton Tamayo, liaison officer in charge ng athletic program ng eskuwelahan, na magiging matagumpay ang kanilang kampanya ng sa ilalim ng pamamahala ni Saguiguit bilang head coach.

“Hopefully, we would finally collar our first NCAA crown and end long drought under the guidance of Saguiguit as head coach,” sabi ni Anton Tamayo, liaison officer in charge ng athletic program ng school board.

Isa sa mga produkto ng Altas si Scottie Thompson na kasalukuyang naglalaro sa Barangay Ginebra.

Bukod kay 6’7 sophomore Mario Barasil, Jr. nanatili sa Perpetual sina skipper Jielo Razon, Ben Adamon at Tonton Peralta.

Sumali ang Perpetual sa NCAA noong si dating Las Pinas Vice Mayor Tony Tamayo pa ang namamahala sa unibersidad.

Ang pinakamataas na nakamit ng Perpetual ay runner-up makaraang matalo sa San Sebastian College na pinangunahan ni Paul Alvarez sa finals. CLYDE MARIANO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *