NCR INIREKOMENDANG GCQ NA: JEEP BAWAL PA RIN, BUS 50% LANG ANG PAPASADA

BUS-JEEP-2

PORMAL nang inirekomenda ng Inter-Agency Task Force (IATF) kay Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim na sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila.

Kinumpirma ito ni Interior Secretary Eduardo Año at sakop ng  inirekomendang  GCQ ng AITF sa  NCR  ang mula  ika-1 hanggang ika-15 ng Hunyo.

Inirekomenda rin ng IATF na payagan nang magpatuloy ang operasyon ng mass transportation maliban sa mga jeepney, habang iminungkahi namang mag-operate ng 50% capacity ang mga bus.

Dagdag pa ni Año, posibleng magkaroon pa ng mga bagong anunsiyo sa Hunyo 15.

Ngayong gabi ay inaasahang haharap sa publiko si Pangulong Rodrigo Duterte upang ianunsiyo ang kanyang desisyon hinggil sa naturang rekomendasyon ng IATF.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *