NO EXTENSION SA LOAN MORATORIUM MATAPOS ANG 60-DAY GRACE PERIOD

LOAN

POSIBLENG hindi na palawigin pa ng mga bangko ang loan moratorium matapos ang mandatory one-time 60-day grace period sa ilalim ng Bayanihan 2, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sinabi ni BSP Gov. Benjamin Diokno na ang loan moratorium, na nagkabisa noong Setyembre 15 sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One ay maaaring huli na.

Ang moratorium ay para sa salary loans, housing loans at car loans, na maaaring bayaran hanggang sa katapusan ng taon.

“It’s one-time, mandatory and non-extendable. We are expecting that there would be no further extension as far as the 60-day grace period is concerned,” ani Diokno.

Sinabi ni Diokno na ipinanukala ng BSP ang 30-day grace period para sa  loans subalit nagkasundo ang mga banker at mambabatas sa 60 days.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *