OCD OFFICIAL SINIBAK NI DUTERTE

Kristoffer Purisima

SINIBAK sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang opisyal ng Office of the Civil Defense (OCD).

Sinabi ni  Presidential Spokesperson Harry Roque, na ito ay dahil sa “lack of trust and confidence” o kakulangan sa tiwala at kumpiyansa ng Pangulo sa opsiyal.

Tinukoy ni Roque ang naturang opisyal na si OCD Deputy Administrator Assistant Secretary Kristoffer Purisima.

Bilang parte aniya ng OCD, bahagi si Purisima sa mga ikinakasang hakbang ng gobyerno sa pagtugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Sa ngayon, ani Roque, ay wala pang napipili si Pangulong Duterte na papalit sa nabakanteng posisyon ni Purisima. DWIZ882

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *