OFW DEPLOYMENT BABABA PA

OFWs-14

NASA 20 hanggang 30 porsiyento ang inaasahang ibababa ng deployment ng overseas Filipino workers (OFWs) hanggang sa susunod na taon dulot ng epekto ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Sa isang online forum, sinabi ni Manny Geslani, isang recruitment at migration expert, na ito’y dahil bagsak ang ekonomiya sa Middle East kung saan may malaking bilang ng OFWs at posibleng matagalan bago makarekober ang mga bansa roon.

Ayon kay Geslani, naka-lockdown ang mga bansa sa Middle East at malabong kumuha ang mga ito ng mga bagong manggagawa.

“Malabo ’yong deployment sa Middle East. Sa Europe, maraming countries din ang lockdown. Then Poland na bagong market natin, lockdown pa rin,” sabi pa niya.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 2.3 million ang bilang ng OFWs mula Abril hanggang Setyembre 2018.

Karamihan o 96.2 percent sa mga ito ay may work contracts.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *