OFW DEPLOYMENT BUMABA NG 99%

POEA

BUMABA ng mahigit sa 99% ang deployment ng overseas Filipino workers sa gitna ng COVID-19 pandemic, ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Sa House committee on overseas workers affairs hearing, sinabi ni POEA administrator Bernard Olalia na sakop ng pagbaba ang land at sea-based workers ngunit ‘di kabilang ang health care workers.

Ayon kay Olalia, umabot lamang sa 47 ang bilang ng land-based new hires na idineploy noong Abril 2020, o mas mababa ng 99.85% kumpara sa 30,592 na naitala sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon.

Para naman sa rehires, nasa 677 land based workers ang idineploy nitong Abril, mas mababa ng 99.48% mula sa April 2019 figure na 128,183.

Lumagapak din ang deployment ng rehired sea-based workers na may 392 lamang nitong Abril kumpara sa 40,597 noong Abril 2019.

“The reason for being po is maraming travel restrictions, we had ECQ (enhanced community quarantine) and crew change that was not able to be implemented due to restrictions,” paliwanag ni Olalia.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *