P13M KONTRABANDO NASABAT NG BOC

NASABAT ng pinagsanib na mga tauhan ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at ng Enforcement and Security Service (ESS) ng Bureau of Customs (BOC) ang mga smuggled na gamot at sigarilyo sa loob ng dalawang storage facilities sa Paranaque City.

Ayon sa report, resulta ito ng ikinasang raid sa dalawang storage facilities noong Pebrero 16 at 19 at sa tulong ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine Coast Guard (PCG).

Nakuha sa loob ng storage ang tinatayang aabot sa P13 milyong halaga ng sigarilyo at gamot na pinaniniwalaan galing sa bansang China.

Ayon sa impormas­yon, ang mga Chinese medicine ay gagamitin daw sa paggamot ng COVID-19 sa bansa.

Sa kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga tauhan ng BOC upang madetermina ang liability o pananagutan ng may-ari ng storage facilities at nilabag ng importer sa ilalim ng Tariff and Customs Code of the Philippine.

Kasabay nito, inihahanda na ng BOC legal team ang kasong kriminal laban sa importer hinggil sa paglabag ng section 1400 of RA 10863 o tinatawag na Customs Mo­dernization and Tariff Act (CMTA). FROILAN MORALLOS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *