P3.4M SHABU NASAMSAM SA 3 NARCO-PEDDLERS

CAVITE – UMAABOT sa P3.4 milyong halaga na shabu ang nasamsam sa tatlong drug peddlers sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng PDEA at RDEU4A sa bahagi ng Barangay Mambog 4 sa Bacoor City noong Martes ng hapon.

Isinailalim sa drug test at tactical interrogation ang mga suspek na sina Solis Delmer y Huliganga, 36-anyos, electrician; Franco Arlen y Cruz, 51-anyos at Villar Kevin y Lotino, 29-anyos, pawang nakatira sa nasabing barangay.

Base sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon. Garcia, lumilitaw na ilang linggong isinailalim sa surveillance ang mga suspect kaugnay sa patuloy na drug trade sa ilang barangay sa nasabing lungsod.

Gayunpaman, nang magpositibo sa kalakalan ng droga ay isinagawa ang buy-bust operation kung saan nasamsam 500 gramo na shabu na nakalagay sa plastic sachet na may street value na P3.4 milyon.

Nasamsam din ang isang cellphone, mark money na ginamit sa drug bust at isang itim na kotseng Kuba CD5 na may plakang PTL 775.

Kasalukuyang nasa detention facility ang mga suspect na nahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 na isasampa sa Provincial Prosecutor’s Office sa Imus City, Cavite. MHAR BASCO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *