P30,531 NA SAHOD SA NURSES KINATIGAN NG SC

NURSES-1

PINAGTIBAY ng Supreme Court ang validity ng isang pro¬bisyon ng batas na nag¬ tatakda ng minimum pay para sa government nurses sa Salary Grade (SG) 15 o katumbas ng P30,531 kada buwan.

Mas mataas ito ng apat na ranks sa kasalukuyang SG 11 category na may sahod na ₱20,754 hanggang ₱22,829 kada buwan.

Kinatigan ng SC en banc ang Ang Nars Party List, na humingi ng pag­lilinaw noong 2015 kaugnay sa da-lawang conflicting provisions na nagtatakda ng minimum pay para sa nurses.

Kinuwestiyon ng party-list sa SC ang mga probisyon ng Philippine Nursing Act of 2002 at ng Executive Order (EO) 811 na ipinalabas ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2009.

Sa ilalim ng Section 32 ng Republic Act 9173 o ang Nursing Act — na nilagdaan din bilang batas ni Arroyo — ang minimum basic pay ng state-employed nurses ay hindi dapat bababa sa Salary Grade 15. Gayunman, sa EO ni Arroyo na inisyu pagkalipas ng pitong taon ay itinakda ang basic pay ng Nurse I sa SG 11.

“In ruling in favor of the petitioners, the Court ruled that Joint Resolution No. 4, being a mere resolu-tion, cannot amend or repeal a prior law such as RA 9173 or the Philippine Nursing Act. The same ap-plies to EO 811 which is also not a law, but an executive directive,” sabi ng SC Public Information Office.

Gayunman, baga­ma’t sinabi ng high court na ang government-employed nurses ay dapat tumanggap ng mas mataas na sahod, hindi nito maaaring pagbigyan ang kahilingan ng Ang Nars party-list na ipag-utos ang pagpapatupad ng higher salaries dahil mangangailangan ito ng panibagong batas na mag-tatakda ng budget para sa dagdag-sahod.

Ang sahod ng mga nurse at iba pang government workers ay saklaw ng taunang national budget, na tinata-lakay sa Kongreso at isinusumite sa Malacañang.

Sa hiwalay na pahayag ay sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na sinusuportahan niya ang po-sisyon ng SC kung may budget para pondohan ito.

“That is now the DBM’s call because it is easy to say: yes, we will give you higher salary, we will give you more money… At the end of the day, mayroon bang pondo [do we have funding]?” ani Duque.

Ang desisyon ng SC ay dumating matapos na hilingin ng grupong Filipino Nurses United ang minimum salary na ₱30,000 para sa lahat ng miyembro nito na nagtatrabaho kapwa sa public at private hospitals.  PILIPINO Mirror Reportorial Team

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *