BULACAN – APRUBADO at pinagtibay na ng Provincial Development Council ang 2020 Annual Investment Program sa pangunguna ni Gobernador Daniel R. Fernando at mga kasangguni.
Tinatayang umabot sa P5.7 bilyon ang budyet ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa taong 2020.
Gagamitin ito sa 2020 Annual Investment Program na inaprubahan ng Provincial Development Council.
Sa nasabing halaga, P1.8 bilyon ang inilaan sa mga nakalinyang impraestruktura at iba pang prayoridad na pagawaing bayan.
Tulad ng 299 na mga silid-aralan na target ipatayo sa taong 2020 na nagkakahalaga ng P453 milyon.
Pagpapatayo ng dalawang palapag na Information Technology building sa balwarte nito sa Malolos na nagkakahalaga ng P9 milyon.
Kabilang rin ang pagtatayo ng dalawang palapag na mini-hotel na magsisilbing training rooms ng mga nasa kursong Bachelor in Technical-Vocational Teacher Education sa halagang P9 milyon. THONY ARCENAL
Comments are closed.