PAG-IIMBAKAN NG COVID-19 VACCINES PINAGHAHANDAAN

PINULONG ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan ang lahat ng department heads partikular na ang mga opisyal ng City Health Department upang talakayin kung paano ibibiyahe at paano maipapamahagi ang COVID-19.

Una nang inatasan ng alkalde ang City Health Department na siguraduhing angkop ang lamig at kapasidad ng gagawing storage facility para sa bakuna gayundin ang transportasyon nito.

“Pinaplantsa na natin ang iba pang kakailanganin para sa pagdating ng bakuna, isa na nga rito ang transportation at storage nito. Bukod dito, titiyakin natin na ang vaccination program ng lungsod ay naaayon sa guidelines ng National Task Force, DOH at FDA,” anito.

Kasama sa pulong sina Secretary to the Mayor Betsy Luakian-Kaw, City Administrator Oliver Hernandez, Chief of Staff Jeremy Regino at mga kinatawan mula sa City Health Department. VICK TANES

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *