PAGMAMANTINE NG RADIATOR

patnubay ng driver

GOOD day, mga kapasada!

Kumusta po kayo, mga kapasada.  Kasama kayo sa aking panalangin na sa panahong ito na tayo ay sinasalanta ng  COVID-19 pandemic, gayundin sa delubyo na nilikha ng mga nagdaang kalamidad tulad ng super bagyong Rolly at pinakahuli ay si Ulysses.

Lagi po nating tatandaan, stay safe always at igalang ang kahingian ng pandemic protocols.

Mahalaga ang paksang ating tatalakayin naayon lalo na sa pagkakataong tayo ay naiipit sa buhol ng trapik likha ng maraming kadahilanan.

Noong nakaraang taon na wala pang coronavirus pandemic, araw ng Linggo,  habang ako ay papunta sa

St. Andrew Cathedral para magsimba, sa kahabaan ng Sucat Road ay isang babae ang may hawak na puting panyo na iwinawagayway.  Humihingi ng ayuda sa naging ayos ng kanyang sasakyan. Wala ni isa man sa mga nagdaraang sasakyan ang umayuda sa kanyang inaamot na limos na tulong.

Hinintuan ko ang babaeng drayber at idinaing sa akin ang paglabas ng makapal na usok sa hood ng kanyang minamanehong sasakyan.

Nagpipilit na buksan ngunit hindi niya magawa dahil sa init ng singaw na nagbubuhat sa radiator.

Nang aking lapitan ang babaeng driver, pilit na binubuksan ang hood ng kanyang kotse na bigla ko namang pinigilan.

Inilahad ko sa kanya ang peligrong maaari niyang matamo sakaling mabuksan niya ang hood samantalang kumukulo ang radiator nito.

Pagkalipas ng ilang sandali, kumuha ako ng basahan sa aking sasakyan, binasa ng tubig at saka ipinatong ko sa ibabaw ng radiator at pamaya-maya pa ay binuhusan ko ng tubig ang radiator.

Kahit alam kong huli na ako sa first mass sa Cathedral, hinintay kong  lumamig ang radiator at pagkalipas ng halos kalahating oras, umandar na ang sasakyan.

Pilit akong inaabutan ng lady drayber ng pampalubag loob sa ginawa kong ayuda ngunit hindi ko tinanggap at saka pinayuhan ko kung ano ang kanyang gagawin sa kaling muli niyang maranasan ang katulad na pangyayari o kaya ay ipasuri niya ang kanyang radiator sa radiator shop.

Second mass na ang aking inabot nang ako ay makarating sa Cathedral.

Dahil sa pandemic, habang ako aynagsasaliksik ng paksang aking susulatin para sa Patnubay ng Drayber ay bigla kong naalala ang nangyari sa lady drayber na aking tinulungan. At humantong ako sa pagsasaliksik tungkol sa anatomy ng radiator.

ANATOMY NG RADIATOR NG SASAKYAN

Ano po ba ang gampanin ng radiator sa ating sasakyan?

Ang car radiator po ang may pananagutan upang ang car engine ng ating minamanehong sasakyan ay hindi mag–overheat.

Kapag ang engine po na inyong pinatatakbo ay lumilikha ng  maraming friction at init, ito ay ginagamitan ng coolant upang mapanatiling nasa magandang  running condition ang inyong engine.

Talakayin po natin ang sintomas na posibleng dahilan at remedyong dapat nating gawin kung ang  ating minamanehong sasakyan ay mag-overheat tulad ng:

  1. OVERHEATING DUE TO COOLING SYSTEM MALFUNCTION

Sakaling mag-overheat ang makina ng inyong minamanehong sasakyan, ang karaniwang posibleng dahilan ay:

  1. mababa (low) ang water level.
  2. barado ang radiator passages.
  3. nag-stuck ang thermostat sa closed position.
  4. baligtad ang pagkakakabit ng thermostat.
  5. dumudulas ang fan, water pump, drive belt.
  6. nagyelo (frozen) ang coolant.
  7. depektibo ang radiator pressure cap o ang cap seat.
  8. barado ang hose na pinapasukan at nilalabasan ng tubig.
  9. barado ang overflow tube.
  10. depektibo ang temperature gauge.
  11. depektibo ang water pump.
  12. barado ang radiator fins.
  13. depektibo ang cylinder head gasket at,
  14. lubhang malayo ang pagkakakabit ng fan mula saradiator.

Ayon kay Frasncisco Guarin ng Guarin Radiator Shop sa Paranaque City, sa mga nabanggit na sintomas ng pag-o-overheat ng car engine, ang remedy sa nabanggit na mga problema ay:

  1. lagyan ng wastong level ng tubig at siyasatin kung mayroong leakage. Kung mayroon, palitan ang hose.
  2. linising mabuti sa pamamagitan ngwastong solusyon, reverse flushing o by boiling out with chemicals.
  3. Palitan ang thermostat, kung mabatid na ito ay depektibo.
  4. Ikabit nang maayos with sensing unit to block.
  5. i-adjust o kaya ay palitan ang belt kung kinakailangan.
  6. lusawin (thaw) ang system at pagkatapos ay palitan ng wastong solution.
  7. palitan ang cap (takip) kung ito ay depektibo o hindi angkop sa radiator.
  8. palitan ang lahat ng depektibong hose.
  9. ang mga may bitak na tube passage ay dapat palitan.
  10. tsiken sa pamamagitan ng test gauge.
  11. palitan ang water pump.
  12. tanggalin ang dumi at mga nakabara sa fins.
  13. Palitan ang head gasket, at
  14. Ilapit ang slims sa pagitan ng pulley at fan.
  15. OVERHEATING DAHIL HINDI GUMAGANA ANG ENGINE

Kung nag-overheat ang makina dahil sa hindi gumaganaang engine (malfunction) ang karaniwang dahilan ay:

  1. hindi wasto ang ignition timing.
  2. ang manifold heat control valve ay biglang bumukas.
  3. sumabog ang head gasket.
  4. mali ang timing valve, at
  5. barado ang exhaust system.

Ayon sa ating resource mechanic, sa mga nabanggit na problema, ang tanging lumas para maiwasan ang pag-o-overheat ng engine ay:

  1. iwasto ang timing to space.
  2. free valve.
  3. palitan ang head gasket.
  4. iwasto ang timing ng valves at,
  5. linising mabuti ang exhaust system.

Ipinayo ni Mr. Guarin na ang function ng cooling system ay ang panatilihin ang engine at temperature where it performs best. Kaya, aniya, huwag kalilig-taang ipasuri kaagad sa mga qualified mechanic kung mabatid na ang engine ng kanilang minamanehong sasakyan ay nag-o-overheating.

LAGING TATANDAAN: UMIWAS SA AKSIDENTE UPANG BUHAY AY BUMUTI. STAY SAFE ANG OBEY BY HEART THE PANDEMIC PRO-TOCOLS.

HAPPY MOTORING!

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *