PAOLO CONTIS NAGING REGULAR SA BUBBLE GANG NANG UMALIS SI OGIE ALCASID

Paolo Contis

HINDI nagbibiro si Paolo Contis na sa loob ng 24 years na ng gag show na “Bubble Gang,” mga 12 yearsshowbiz eye din siyang semi-regular lamang sa show.

“Naging regular lamang ako at ang ilan pang cast nang umalis na sa show si Kuya Ogie (Alcasid), ganoon po kalaki ang talent fee niya,” kuwento ni Paolo. “Kaya thank you Kuya Ogie, huwag ka nang babalik sa show.”

Natatawa namang umamin si Michael V sa sinabi ni Paolo.

Biniro naman si Paolo tungkol sa madalas niyang gampanan na manyak role, ganoon din ba siya off-camera? “Hindi po, role lamang iyon, pero comfortable na po kaming gampanan kahit anong role ang ibigay sa amin, para na kaming mga stepsisters at stepbrothers kapag nagti-taping, kulit-kulitan lamang kami sa set, para kaming naglalaro. Ang mga kagagahan ko sa eksena, binibili nila, ‘di ako pinagagalitan, lalo na kung okey naman ang ginawa ko kay Direk Bert de Leon.”

RURU AT JASMINE SUPORTADO NG KAPUSO ARTISTS ANG PELIKULA

SHOWING na ngayon ang first mainstream movie nina Jasmine Curtis Smith at Ruru Madrid, na “Cara ruru and jasmineX Jagger” na first time din silang nag-tambal. Nagkaroon ng red carpet premiere night last November 5 ang movie na dinirek ni Ice Idanan.

Parehong Kapuso artists sina Jasmine at Ruru, kaya naman sinuportahan sila ng mga Kapuso stars noong premiere night, tulad nina Barbie Forteza, Jak Roberto, Sanya Lopez, Kristoffer Martin, mga StarStruck finalist, Gladys Guevarra. Present din si Ms. Melanie Marquez, na ang anak na si Miss World Philippines, Michelle Dee ay kasama sa cast na naroon din with their co-stars sa movie, sina Gabby Padilla, Miko Raval, Dino Pastrano, Kenneth Medrano. Present din ang mga executive ng APT Entertainment at Cignal Entertainment.

Supportive sister din si Anne Curtis kay Jasmine dahil may special participation siya sa movie, kasama rin sina Pecto Nacua, Sophie Albert at si Dante Rivero.

Naiiba ang love story ng romantic drama nina Jasmine as Cara at Ruru as Jagger.  Nagpakita ng mahusay na pagganap si Jasmine at hindi naman nagpatalo sa acting si Ruru sa katambal.  Pwede bang makalimutan ang isang nagmamahal?

Ang “Cara X Jagger” ay binigyan ng Grade B ng Cinema Evaluation Board (CEB) at PG Rating ng MTRCB.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *