(Para mapabilis ang pagbili ng COVID-19 vaccines) $700-M UUTANGIN NG PINAS

vaccine

NASA $700 million o halos P34 billion ang uutangin ng Filipinas sa dalawang multilateral lenders para mapabilis ang pagbili ng COVID-19 vaccines.

Ang panukalang Second Health System Enhancement to Address and Limit COVID-19 sa ilalim ng Asia Pacific Vaccine Access Facility Project (HEAL 2) ay mangangailangan ng $764.17 million o P37 billion, tulad ng nakatala sa isang project document na inilathala ng Asian Infrastructure Investment Bank.

“This project is proposed to be supported under AIIB’s COVID-19 Crisis Recovery Facility and co-financed with the Asian Development Bank (ADB) for the procurement of vaccines eligible under ADB’s Asia Pacific Vaccine Access Facility (APVAX) program,” nakasaad sa dokumento.

Sa naturang halaga, ang lead co-financier ADB ay magkakaloob ng  $400 million o P19.41 billion, habang ang AIIB ay inaasahang magbibigay ng  $300 million o P14.56 billion.

Babalikatin ng Philippine government ang nalalabing $64.17 million o P3.11 billion.

Inaasahang maaaprubahan ang loan sa susunod na buwan, habang ang tinatayang petsa ng loan closing ay sa September 2024.

Ang vaccination program ay naglalayong matugunan ang masamang epekto ng pandemya kapwa sa ekonomiya at sa mga mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *