PARA YUMAMAN, MAGING MATULUNGIN SA MGA MAHIHIRAP

Heto Yumayaman

PURIHIN ang Diyos! Binigyan niya ako ng maliit na farm para sa aking kasiyahan, sampu ng  aking pamilya. Ang simbahang pinaglilingkuran ko ay isang Urban Poor church na may pangalang OB Christian Community Church.  Inimbitahan ko ang mga miyembro na mag-tanghal ng isang Christian summer camp sa aking farm sa loob ng tatlong  araw. Ako ang tagapagsalita sa ilang paksa. Inimbitahan ko rin ang kapatid kong abogado na maging tagapagsalita.  Dahil wala pa kaming bahay sa farm noon, natulog lang kami sa mga tent.

Hinati ko ang mga camper  sa apat nagrupo.  Nagpapalit-palit sila ng katungkulan kung sino ang tagalinis, taga-igib ng tubig, tagapulot ng panggatong, tagahugas ng mga pinggan, at katulong sa pagluluto.  Ang misis ko at ang ilang kababaihan ay ang namahala sa pagluluto ng pagkain.  Bumili kami ng dalawang inodoro at kinabit namin para magamit.

Ang mga tubo na dinadaluyan ng tubig ay tumatawid sa  aking farm mula sa bundok papuntang Barangay Talisay.  Dumugtong kami sa tubo, kaya nagkaroon kami ng tubig.    Mahigit tatlumpung kabataan ang sumama sa aming camp at ang lahat ay talagang pinagpala.  Subsidized ng simbahan namin ang gastusin, kaya halos walang binayaran ang mga kabataan para sumali sa camp na ito.  Natuto silang magtrabaho, maging malinis at makisama nang mabuti sa kanilang mga kapatid, bukod sa natuto sila ng kaalaman tungkol sa buhay na Diyos.

Ang simbahan namin ay walang sariling gusali at lupa.  Nakikigamit lang kami sa isang public school,  ang Old Balara Elementary School.  Ang janitor ng paaralan ay ama ng isang miyembro ng aming simbahan.  Inareglo niyang makagamit ang simbahannamin ng kuwarto sa paaralan para pagdausan ng aming mga pagpupulong tuwing Linggo at Miyerkoles. Sa kasawiang-palad, may mga drug addict sa paligid ng paaralan na pumasok sa paaralanisang gabi at nagnakaw ng mga bentilador.  Dahil dito, pinagbawalan kami ng principal ng paaralan na gumamit ng kuwarto.

Labis kaming nalungkot.  Nag-ayuno at nanalangin kami para tulungan kami ng Diyos makahanap ng bagong lugar na pagdadausan. Makalipas ang maraming araw ng pag-aayuno at panalangin, ibinalita sa amin ng isang miyembro na si Flory na may lalaking may bahay salugar ng Old Balara na nagpaplanong lumipat na ng tirahan sa Bulacan kaya ibinenta niya ang bahay niya na nakatayo sa isang lote.  Dinala ko ang kaibigan kong si Christopher Sabarez at kinausap namin ang may-ari na si Mang Luis kung paano namin mabibili ang karapatan sa kanyang bahay at lote.  Sinabi niyang ang halagang hinihingi niya ay 15,000 pesos.  Tamang-tama naman, dahil sa katipiran namin sa simbahan at dahil sa tapat na pag-iikapu ng mga miyembro, mayroon kaming ipon na nagkakahalagang 30,000 pesos.  Kaya gumawa ako ng kasulatan, binayaran namin si Mang Luis ng P15,000 at na-pasaamin ang karapatan sa kanyang bahay at lote.  May natira pang P15,,000 sa pondo ng simbahan.  Nagboluntaryo ang maraming kapatid at pinalakihan namin ang aming bahay-sambahan.   Ginawa naming doble ang laki.  Makalipas ang isang linggo, handa na ang aming bahay-sambahan na pagdausan ng gawaing pagsamba tuwing Linggo at Miyerkoles.

Sa simbahan naming ito, pumili ako ng pitong “matatanda” para mamuno sa pagpapatakbo ng simbahan.  Sila ay sina Christopher Sabarez, Renato Tuazon, Thereso Balgos, Susano Vargas, FelicisimoMaximo, Jun Maximo, at Dong Alcayde.  Paglipas ng panahon, dinagdagan pa namin ng ibang matatandang pinuno – sina Ferdie Gedalanga at Arnel Samoy.  ‘Di nagtagal, nanganak ang aming simbahan.  Nagkaroon ng God will Provide Church sa Pasong Tamo, Caloocan; Spirit of Christ Church sa Barangay Holy Spirit, Quezon City; at  Strength of Christ Church sa V. Luna, Quezon City.

Dahil mahihirap ang mga miyembro namin, ang itinuro ko sa kanila tuwing Linggo ay mga praktikal na paksa mula sa Banal na Kasulatan.  Madalas kong paksa ang “Biblical Stewardship” na nagtuturo na ang mga Kristiyano ay mga katiwala ng Diyos; lahat ng ari-arian at kaperahang nasa ating kamay ay ang Diyos ang tunay na May-ari; ipinagkatiwala lamang Niya ito sa atin.

Ang ibig niya ay paramihin ang mga kayamanang ito sa pamamagitan ng kasipagan sa trabaho at pagnenegosyo.  Tinuruan ko ang mga miyembro kung paanong magtrabaho nang buong sipag, mag-ipon ng pera, mag-ikapu para sa Diyos, magtayo ng sariling negosyo, at iba pang paksa.  Sa kakau-lit-ulit ko ng pagtuturo ng mga paksang ito, marami ang gumamit ng mga katuruang ito at unti-unti silang nakaalpas mula sa kahirapan.

Ang marami sa kanila ngayon ay may magandang hanapbuhay, negosyo,sariling bahay at lupa, at napapag-aral ang kanilang mga anak sa magagandang paaralan. Dati silang mga iskwater, subalit pinaalpas sila ng Diyos.  Sila ngayon ang galanteng tumutulong at sumusuporta sa simbahan.  Sinabi ng kapatid kong abogado sa akin, “Marahil pinagpapala ka ng Diyos dahil sa iyong pagtulong sa mga mahihirap.”  Totoo ito, naniniwala akong ibinibigay ng DIyos ang kanyang  mayamang pagpapala sa mga taong maawain at matulungin sa mga mahihirap. Sabi ng Bibliya, “Parang pagpapautang kay Yahweh ang pagtulong sa mahirap, at pagdating ng panahon, si Yahweh ang magbabayad.” (Kawikaan19:17)

Tandaan: Sa kakasingko-singko, nakakapiso; sakakapiso-piso, nakaka-isang libo.



Maaari ninyong mapakinggan si T.Rex  magturo sa kanyang YouTube Channel “PASSION FOR PERFECTION Inc.” Pakibisita po at mag-subscribe.  Salamat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *