PAULO AVELINO INAMING MUNTIK NANG MAG-SUICIDE

ISANG rebelas­yon ang ipinost ni Paulo Avelino sa kanyang social media account the pointtungkol sa mental health awareness.

Pagkatapos ng kanyang pinagdaanan, aminado ang aktor na marami siyang natutunan sa buhay at sa ngayon, itinuturing niya ang sarili niya bilang mental health advocate.

Inamin din niya na nagkaroon din siya ng bouts with depression before.

“Rarely do I share personal stuff on my social media accounts but I think it’s time I talk about this dark period in my life because I know that someone out there is going through the same thing. I want you to know that everybody has issues and sometimes seeing other people have them will help you cope with your own,” bungad niya. .

“Years back I found myself in a place where I only saw one way out. I went through a spiralling journey of depression and suicidal thoughts. Where everything seemed like nothing matters anymore,” pagpapatuloy niya.

Isiniwalat din ng actor na isa siyang introvert at kung may problema siya, madalas ay sinasarili niya ito na para sa kanya ay nararapat.

“I locked myself at home, turned down almost every job that came in and shut myself off from work, friends, family, the world. I am introvert. And as an introvert person I was so used to keeping my thoughts to myself. Even when I wanted to share stuff, I truly didn’t know how to. I didn’t know how to voice out all these feelings and thoughts inside me. So here I am sharing with you guys that even the people who appear to be okay or who seem to “have it all” might be going through their own struggles, fighting their own demons,” kuwento niya.

Payo pa niya sa mga taong dumaranas ng dep­resyon na huwag mag-atubiling humingi ng tulong  hindi lang sa doktor kundi sa mga taong mapaghihingahan ng  problema tulad ng pamilya at mga kaibigan.

“Please, don’t be afraid to reach out to your friends, family, and loved ones. Oftentimes, people will brush it off thinking it’s nothing to be concerned about or it’s a small matter. Don’t be scared to voice out what you feel no matter how hard it is. Never lose HOPE,” pakiusap niya.

Dagdag pa ni Paulo, noong nakaraang Agosto lamang  ay may matalik na kaibigan siyang nagpatiwakal  at  naging wakeup call ang pangyayaring iyon para sa kanya.

“All those messages and time I selfishly demanded are now regrets and baggages I would carry my whole life. Thank you! I hope you are resting peacefully. I am living because of the hope and wisdom you engraved in me,” pagwawakas niya.

Si Paulo ay nakatakdang ipareha sa Kapuso actress na si Janine Gutierrez sa indie film na “If We Don’t Make It”.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *