PAUWING NEGOSYANTE PINAGBABARIL NG TANDEM

DEAD on arrival ang isang negosyante makaraang pagbabarilin ng dalawang lalaki lulan ng motorsiklo sa bayan ng Arakan, North Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Mark Anthony Galindo, nakatira sa Sitio Dilion, Baangay Poblacion.

Batay sa blotter ng Arakan Municipal Police Station, pababa na sa kanyang sasakyan ang negosyanteat papunta na sana sa kanyang bahay nang dumating ang mga salarin at saka pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Nang bumulagta ang biktima ay tumakas ang mga salarin patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Arakan.

Naisugod pa sa Arakan District Hospital ang biktima ngunit hindi na ito umabot ng buhay nang magtamo ng apat na tama ng bala sa kanyang katawan.

Aminado ang pulisya na wala pa silang lead sa pamamaril sa biktima at patuloy pa silang nag-iimbestiga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *