PBA UMAASANG PAPAYAGANG MAG-SCRIMMAGE

Ricky Vargas

NAISUMITE na ng Philippine Basketball Association (PBA) sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang kahilingan nito na ipagpatuloy ang season nito sa isang ‘bubble’ sa Clark.

Ayon kay PBA chairman Ricky Vargas, nagpadala ang liga ng liham sa IATF kung saan hiniling din nito na payagan ang mga koponan na mag-scrimmages

“By Thursday or Friday, titingnan natin kung papayagan tayong mag-scrimmages dito sa Metro Manila,” wika ni PBA commissioner Willie Marcial sa isang press conference noong Huwebes.

“Kung hindi tayo bigyan ng go signal na mag-scrimmages sa Clark, diretso na sa game. So ‘yun lang ang hinihintay  natin,” dagdag pa niya.

Plano ng PBA na muling simulan ang All-Filipino Cup sa Clark sa October 9, kung saan ang mga koponan ay titira sa isang hotel sa lingsod.

Magkakaroon sila ng dedicated bus na maghahatid at sundo sa kanila sa Angeles University Foundation gym.

Kumpiyansa si Vargas na papayagan sila sa bubble dahil ang testing czar ng IATF, si Vince Dizon, ay presidente rin ng  Bases Conversion and Development Authority.

Umaasa rin sila sa suporta ni Noel Maninkil, ang chief executive officer ng Clark Development Corporation.

“Ang kagandahan dito, we are also working with Secretary Vince and the chairman of Clark, chairman Maninkil, and also we are in touch with GAB chairman (Baham Mitra) who’s been very very helpful in seeing to it that sports continue on the professional side,” aniya.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *