PBAPC VIRTUAL SPECIAL AWARDS NIGHT SA MARCH 7

TV5 Media Center

DALAWANG events ang matutunghayan sa pagdaraos ng PBA Press Corps ng virtual special Awards Night nito sa March 7 sa TV5 Media Center.

Magbibigay ang grupo na regular na nagko-cover sa PBA beat, ng distinct awards para sa Philippine Cup bubble season na idinaos sa Clark, Pampanga.

Sasamahan nila ang buong 2019 Press Corps awardees, na pararangalan din makaraang makansela ang annual event na handog ng Cignal TV,  noong nakaraang taon dahil sa COVID-19 pandemic.

Para sa nag-iisang conference ng 2020 season, ang awards na ipagkakaloob ay ang Outstanding Coach of the Bubble, Mr. Executive, President’s Award, Mr. Quality Minutes, Scoring Champion, All-Rookie Team, atbGame of the Bubble.

Magkakaroon din ng Top Bubble D-Fender at  All Bubble D-Fenders.

Makakasama nila sa centerstage ang mga awardee ng naunang season, sa pangunguna ni San Miguel mentor Leo Austria, recipient ng 2019 Baby Dalupan Coach of the Year trophy.

Bukod kay Austria, nasa honor roll list din sina PBA Chairman Ricky Vargas (Danny Floro Executive of the Year), Bulakan, Bulacan Mayor at former league MVP Vergel Meneses (President’s Award), Sean Anthony (Defensive Player of the Year), Terrence Romeo (Mr. Quality Minutes), June Mar Fajardo (Order of Merit), at  CJ Perez (Scoring Champion).

Ang iba pa sa 2019 batch ng honorees ay ang NorthPort vs. NLEX (Game of the Season), CJ Perez, Robert Bolick, Bobby Ray Parks Jr., Javee Mocon, and Abu Tratter (All-Rookie Team), Kiefer Ravena, Christian Standhardinger, Beau Belga, Vic Manuel, Arwind Santos, and coach Yeng Guiao (All-Interview Team), at PBL D-League Finals MVP Thirdy Ravena (Aspirants’ Cup) at Hased Gabo (Foundation Cup).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *