NAVOTAS CITY – ISANG 56-anyos na pedicab driver ang namatay matapos magulungan ng trak kahapon ng madaling araw.
Dead on the spot sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan si Romeo Sogale ng M. Naval St., Brgy. Sipac, Navotas habang ang driver ng trak na nakilalang si Brendo Gonzales, 33, ng 2184 Rodriguez St., Brgy. 129, Balut, Tondo, Manila ay kusang loob na sumuko sa pulisya matapos ang insidente.
Sa nakarating na ulat kay Navotas police chief Sr. Supt. Brent Milan Madjaco, dakong alas-4:40 ng madaling araw, mabilis na tinatahak ng trak ang kahabaan ng C-3 Road, North Bay Boulevard South (NBBS) nang aksidenteng mahagip ang pedicab ng biktima sa madilim na bahagi ng kalsada.
Sa lakas ng impact, naipit ang biktima at nagulungan ng truck na nagresulta sa kanyang kamatayan.
Kasong reckless imprudence resulting in homicide at damage to property ang isinampa ng pulisya kontra kay Gonzales sa Navotas City Prosecutor’s Office. EVELYN GARCIA
Comments are closed.