PETROLYO MAY DAGDAG-PRESYO SIMULA NGAYONG ARAW

PETROLYO-19

MATAPOS ang rolbak noong nakaraang linggo ay muli na namang tataas ang presyo ng mga produktong petrolyo simula ngayong araw.

Sa magkahiwalay na abiso, sinabi ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. at ng Seaoil Philippines Inc. na may P0.60 pagtaas sa presyo ng kada litro ng kanilang gasolina, P0.20 sa diesel at P0.55 sa kerosene.

Magpapatupad ang Cleanfuel at Petro Gazz ng kaparehong adjustments maliban sa kerosene na hindi nila ibinebenta.

Epektibo ang adjustments ngayong alas-6 ng umaga para sa lahat ng kompanya maliban sa Cleanfuel na magtataas ng presyo sa alas-4 ng hapon sa parehong araw.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *