PH 3X3 MEN’S TEAM PARARANGALAN NG PSA

PSA Forum

PATUNAY na mabilis na sumisikat ang 3×3 basketball sa bansa, ang Philippine men’s team na nakakuha ng ticket sa Tokyo Olympics qualifier ay nakatakdang tumanggap ng special honor sa SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Annual Awards Night ngayong Biyernes sa Centennial Hall ng Manila Hotel.

Pinangungunahan ng dynamic duo nina Alvin Pasaol at Joshua Munzon,  ang koponan ang 2019 Chooks-To-Go Fan Favorite awardee sa March 6 event na itinataguyod ng  Philippine Sports Commission, MILO, Cignal TV, Philippine Basketball Association, AirAsia, at Rain or Shine.

Ranked 59th sa pagsisimula ng 2019, ang mga Pinoy ay umakyat sa top 20 list sa pagtatapos ng taon upang makakuha ng ticket sa Olympic Qualifying Tournament na nakatakda sa Marso 18-22 sa Bengaluru, India.

Ang mga naunang napili bilang Mr. Fan Favorite ‘Manok ng Bayan’ awardee na handog ng Chooks To Go, sa pamumuno ni Ronald Mascarinas ng Bounty Agro Ventures Inc., ay sina three-time PBA scoring champion Terrence Romeo at future NBA prospect Kai Sotto.

Ang pagkopo ng  world ranking points para sa PH team ay nai­sagawa sa pagdaraos ng pioneering 3×3 league Chooks-To-Go Pilipinas, at kasabay nito ay sa  pagho-host ng dalawang major international meets sa bansa, na kapwa may level-eight ratings and above.

Si Santi Santillan at ang iba pang top notch Filipino players ay nagsalitan sa pagsabak kasama sina Munzon at Pasaol sa panahon ng year-long campaign.

Ang Filipinas ay na­lagay sa Pool C, kasama ang Slovenia, France, Qatar, at ang Dominican Republic sa 20-team qualifier, na hinati sa four-group competition.

Tanging ang top three countries sa pagtatapos ng meet ang makakasambot ng puwesto sa Tokyo Olympics, kung saan lalaruin ang 3×3 event sa unang pagkakataon.

Ang PH 3×3 men’s team ay isa lamang sa halos 200 athletes, personalities, at entities na nasa PSA honor roll list ngayong taon.

Ang mga awardee ay pinangungunahan ng  30th Southeast Asian Games overall champion Team Philippines, na gagawaran ng co­veted Athlete of the Year honor.

Bibigyang-pugay rin sa two-hour program sina world gymnastics champion Carlos Yulo (President’s award), PH team SEA Games Chef De Mission at PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez (Exe­cutive of the Year), at legendary Efren ‘Bata’ Reyes (Lifetime Achievement Award), na magsisilbing special guest of honor at ­speaker for the night.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *