PH ENVOY NG BRAZIL IIMBESTIGAHAN NG DFA

Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr

BUMUO ng team ang Department of Foreign Affairs (DFA) para mag-imbestiga kaugnay ng pagmamaltrato ni Philippine ambassador Brazil Marichu Mauro sa kanyang Pinay staff.

Kinumpirma ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na natanggap na niya ang Presidential Directive no.2020-196  na nag-aatas sa DFA na imbestigahan ang pagmaltrato ni Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro sa kanyang Pinay household staff.

Ayon kay Locsin, binigyan sila ng Malakanyang ng 15 araw para magsumite ng report Presidential Management Staff.

Sinabi ng kalihim, bumuo na siya ng fact-finding team na magsasagawa ng imbestigasyon laban kay Ambassador Mauro.

Kabilang sa binuong team ay sina Philippine Consul General to Sydney Ezzedin H. Tago  , Jaime B. Ledda CM1, Narciso T. Castañeda BAC, at Atty. Ihna Alyssa Marie Santos ng DFA-Humàn Resources  Management Office.

Sa ilalim ng Sec. 51 ng R.A. 7157 o Philippine Foreign Service Act Of 1991, ang sinomang ambassador ng Pilipinas na may nagawang kasalanan ay hindi maaaring isailalim sa formal investigation kapag walang basbas ng Pangulo. LIZA SORIANO

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *