PH FOREIGN RESERVES LUMOBO ($107.25-B noong Abril)

LUMAKI ang foreign reserves ng bansa sa $107.25 billion hanggang noong Abril ng kasalukuyang taon.

Sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang gross international reserves (GIR) level ng Filipinas noong nakaraang buwan ay mas mataas sa $104.48 billion noong Marso.

Ito ay sa likod ng pag-iisyu ng national government ng foreign currency-denominated bonds.

“The month-on-month increase in the GIR level reflected inflows that were mainly from the proceeds of the national government’s (NG) ROP Global and Samurai Bond issuances, which were deposited with the BSP,” ayon sa central bank.

Sinabi pa ng BSP na nakapag-ambag din sa mas mataas na GIR level ang pagtaas ng halaga ng gold holdings nito dahil sa pagsipa ng presyo ng ginto sa pandaigdigang merkado.

“These were partly offset, however, by the outflows from the national government’s payments of its foreign currency debt obligations,” pahayag ng BSP.

Gayunman, sinabi ng central bank na, “the GIR level represents a more than adequate external liquidity buffer, which can help cushion the domestic economy against external shocks.”

“The buffer is equivalent to 12.3 months’ worth of imports of goods and payments of services and primary income,” ayon pa sa BSP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *