(Pinag-aaralan ng gobyerno) INSURANCE SUBSIDY SA HOG RAISERS

Karlo Nograles

PINAG-AARALAN ng administrasyong Duterte ang pagkakaloob ng 50% insurance subsidy sa mga commercial hog raiser para matugunan ang problema sa suplay ng baboy, ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles.

“This is just one of the proposals being studied to help the hog raisers increase the pork supply,” pahayag ni Nograles sa isang virtual briefing.

Ayon kay Nograles, ang pondo para sa insurance subsidy ay huhugutin sa Quick Response Fund ng Department of Agriculture (DA).

Ang kakulangan sa suplay ng baboy ay sanhi ng African Swine Fever (ASF) kung saan daan-daang libong baboy ang kinatay para mapigilan ang pagkalat ng sakit.

Nagresulta naman ito sa pagsipa ng presyo ng baboy na pumalo sa mahigit P400 kada kilo noong nakaraang buwan.

Ito ang nag-udyok sa pamahalaan para maglagay ng price cap — P270 sa kada kilo ng kasim at  pigue at P270 at P300 kada kilo sa  liempo sa loob ng 60 araw simula noong February 8.

Gayunman ay lumala ang kawalan ng suplay ng baboy dahil maraming dealers at retailers ang nagkasa ng ‘pork holiday’ dahil malulugi lamang umano sila sa ipinatupad na price ceiling.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *