PINAS WALA NA SA TOP 20 SA HIGHEST COVID-19 CASES

pilipinas

WALA na sa top 20 ng may pinakamatataas na kaso ng coronavirus disease  (COVID-19) sa buong mundo ang Filipinas.

Batay sa tala ng John Hopkins University, nasa ika-20 puwesto na ang Ukraine matapos na sumampa sa 381,664 ang kabuuang kaso ng COVID- 19 sa naturang bansa.

Sa ngayon ay nasa kabuuang  44. 8 milyon  na ang kaso ng COVID-19 sa buong mundo at nasa 8.9 milyon  sa mga ito ang mula sa Estados Unidos.

Sa hiwalay naman na report mula sa World Health Organization (WHO) ay nasa 1.1 milyon naman ang bilang ng mga nasawi, habang nasa 32 milyon  ang bilang ng mga nakarekober sa nasabing sakit.

Pumapangalawa sa pinakamataas ay ang

India 8,040,203;

Brazil 5,468,270;

Russia 1,570,446;

France 1,327,852;

Spain 1,160,083;

Argentina 1,143,800;

Colombia 1,048,055;

Britain 968,456; at China 91,827.

PH 378,933 NA ANG TITAL COVID-19 CASES

Iniulat ng Department of Health (DOH) na umakyat na sa 378,933 ang kabuuang bilang ng coronavirus disease 19 (COVID-19) cases na naitala sa bansa.

Batay sa case bulletin na inilabas ng DOH, nabatid na nakapagtala pa sila ng 2,001 na bagong kaso ng COVID-19.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Batangas na may 124 new cases, Cavite na may 121 new cases, Quezon City na may 105 new cases, Rizal na may 89 new cases at Bulacan na may 81 new cases.

May naitala namang 636 na bagong gumaling sa COVID-19 ang DOH.

Dahil rito, umabot na sa 330,457 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa virus.

Ma 38 na bagong nasawi dahil sa virus.

Dahil rito, umabot na ngayon sa 7,185 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19. ANA ROSARIO HERNANDEZ

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *