PIOLO PASCUAL NAIS PANG PALAWAKIN ANG MOVIE OUTFIT NA SPRING FILMS

PIOLO PASCUAL

SA yaman niya, kung gugustuhin ni Piolo Pascual ay puwede siyang magkaroon ng franchise ng Jollibeeentra eksena o McDonalds. Pero dahil ang puso ng sikat na actor ay sa movie industry kaya itinayo nila ng mga kasosyong sina Direk Joyce Bernal at Erickson Raymundo ang Spring Films na nag-produce ng hit comedy movie ni Eugene Domingo na “Kimmy Dora” na nakailang sequel.

Kahit na ilan sa proyekto nila sa kanilang movie outfit ang sumemplang sa takilya ay hindi raw talaga susukuan ni Piolo ang pagpo-produce ng pelikula at sa katuna­yan ay mas gusto pa niyang palawakin ang Spring Films at nasa planning stage nila ang pagkuha niya ng malalaking artista para sa future projects.

Isa kaya ang former GF na  si KC Concepcion sa kukunin ni Papa P? Ang “Fuffy and Fream” nila ni Alessandra de Rossi ang latest produced film ni Piolo kung saan nakipag-collab sila sa AWOO Productions. At hindi lang artista dito si Alessandra kundi siya rin ang director.

PARAMI NANG PARAMI ANG ACTORS NA GUSTONG MAGING PARTE NG “WILD BUTTERFLIES”

MAGMULA nang ilabas ng director at film producer na si Direk Reyno Oposa sa kanyang official Facebook account ang teaser ng controversial pet project movie na Wild Butterflies (dating Midnight Butterflies” ay marami na ang nagka-interes na mapasama sa cast. So, may mababago sa original casting dahil may mga additional actor na join sa movie tulad ni BJ Kristoffer na pinalitan si Rex Antonio na magko-concentrate na raw sa kanyang pagpupulis.

Ilan sa mga nadagdag sa cast ay ang Urduja Best Actress na si Elizabeth Luntayao, PETA actress na si Cilia Castillo(sister ni Direk Reyno in real life) at ilang stage actors. Tatlo sa mga bibida sa pelikula  ay sina Kurt Harris, Lanz Valderama at Tonz Are. Balak din kumuha ni Direk Reyno ng malaking artista na bibigyan niya ng mahalagang role. At ngayong nasa bansa na si Direk Reyno ay excited na ang lahat ng kanyang mga artista sa kanilang shooting  ngayong November na lahat ng eksena ay kukunan dito sa Manila.

MACHO MAN SA EAT BULAGA MAY CHUBBY VERSION NA “PA-MACHO MEN”

MATAPOS tangha­ling Grand Winner at manalo ng P100k noong Sabado sa grand finals ng Macho Man si Jonas “The Gymnast” na pasok na sa Tatak Eat Bulaga Grand Showdown na si Macho Man PAU “The Pirate” ang kanyang Runner-Up. Ang mga macho chubby, huggable naman sa “Pa-Macho Men” ang magpapatalbugan ng pagalingan sa paghataw sa dance floor, husay sa pagpapakilala at husay sa pagsagot.

Para sa mga nais mag-audition sa Pa-Macho Men, narito ang qualifications: chubby,  huggable at 18 yrs. old and above. Requirements: 3R(whole body ang close-up), Photocopy ng iyong birth certificate at isang valid ID.

Magsadya lang Lunes hanggang Biyernes 3:00 PM to 5:00 PM sa APT Studio sa #28 Marikina-Infanta Hwy, Halang, Cainta, 1900 Metro Manila.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *