PLANT-BASED MEALS ISINUSULONG NG DOH

DOH

NAIS ng Department of Health (DOH) na magkaroon ng malusog na pangangatawan ang mga mamamayan, kaya’t isinusulong nila ngayon ang kahalagahan ng plant-based meals at organic urban gardening.

Hinikayat ng DOH-Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon), na pinamumunuan ni Regional Director Eduardo Janairo ang publiko na magkaroon at maging advocate ng healthy diet, sa katatapos na Regional Conference of Nutritionist-Dietitians, na may temang “Kumain Nang Wasto at Maging Aktibo… Push Natin ‘to!” sa Batangas.

Ayon naman kay Regional Nutrition Outcome Manager Jellie Ann C. Palencia, ang plant-based diets ay unti-unti nang nagiging popular sa bansa dahil sa magandang dulot nito sa ating kalusugan.

“People who consume more vegetables have lower risk of developing coronary heart disease than those who takes diet rich in animal-based protein who later develop a buildup of plaque in their heart’s arteries,” aniya.

“And more so vegetarians have smaller waists, lower stress, healthy immune system, they have lower risk of heart disease and type 2 diabetes, lower body mass index, blood sugar and lower the risk of cancer and most important – they live longer,” aniya pa.

Pinaalalahanan din niya ang mga nutritionist-dietitian sa kanilang papel sa pag-educate ng mga tao hinggil sa pinakamainam na healthy diet at pagsusulong ng mabuting nutris­yon, para sa mga malusog na buhay.

Sa panig naman ni Janairo, ang mga nutritionist-dietitians ay mayroong bagong gampanin sa Universal Health Care, dahil magiging bahagi na sila ng service delivery network.

“They will now be providing services across life stages from pre-pregnancy to pregnancy to newborn to infancy and childhood up to school age – adolescents and adults,” ani Janairo. “They will be responsible for providing population-based nutrition interventions gaya ng universal micro-nutrient supplementation, food fortification kasama na rito ang nutrition education. Sila rin mamamahala ng individual-based nutrition intervention sa mga pregnant women at magmamanage ng acute malnutrition.”

Nabatid na sa naturang kumperensiya, hinikayat din ang may 130 kalahok nito na mag-praktis ng organic farming at urban gardening para sa diversity diet.

Binigyan sila ng mga buto ng talong, okra, kamatis, sitaw, patola, ampalaya, upo, kalabasa, pechay, at mustasa, na maaari nilang itanim sa kanilang mga tahanan.  ANA ROSARIO HERNANDEZ

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *