PNP NAKAHANDA SA MGCQ

NAKAHANDA na ang hanay ng Philippine National Police (PNP) kapag isinailalim sa modified general community quarantine (MGCQ) ang buong bansa.

Ito ay kung sakaling aprobahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng NEDA.

Ayon kay PNP Chief Gen. Debold Sinas, naghihintay na lamang sila ng utos mula sa Malakanyang.

Sinabi pa ng opisyal, wala naman gaanong magiging “major changes” na gagawin ang PNP dahil karamihan naman sa mga lalawigan sa bansa ay naka-MGCQ na.

Aniya, magkakaroon lamang ng kaunting adjustment sa mga lugar na kasalukuyang nasa GCQ tulad ng Metro Manila.

Ngunit, pagdating sa seguridad ay mananati­ling nakaalerto ang PNP at tutulong pa rin sa pagpapatupad ng minimum health protocol.

Samantala, sinabi naman ni Sinas na handa siyang magpatutok ng COVID-19 vaccine sa harap ng publiko para tumaas ang kumpiyansa ng mga tao sa bakuna. REA SARMIENTO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *