PNPA CLASS OF 2024 TRAINING STAFF ISASAILALIM SA SWAB TESTING

swab test

CAMP CRAME- ISASAILAIM sa COVID-19 testing o Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT- PCR) test ang nasa 350 kadete na kabilang sa Philippine National Police Academy (PNPA) Class of 2024 at kanilang mga training staff.

Ito ang inihayag nI PNP Chief Police General Archie Gamboa matapos na magkasunod na mamatay ang dalawang kadete ng PNPA Class of 2024 noong nakalipas na linggo.

Ayon kay Gamboa, may posibilidad na CO­VID-19 patient ang dalawang namatay na kadete at dahil magkakasama ang mga kadete at training staff na aabot sa 350 indibiduwal sa iisang lugar kaya mahalaga na maisailaim ang lahat sa COVID-19 RT PCR test.

Sa ngayon ay sinuspinde muna ang training ng mga kadete habang nakatakda rin na makipag pulong si PNP Chief sa mga opisyal ng National Police Training Institute para mapag-usapan ang mga ipinatutupad na health protocols at recruitment sa PNPA.

Ang dalawang PNPA cadet na magkasunod na namatay nang nakalipas na linggo ay sina Cadet 4th class Kenneth Ross Alvarado at Cadet 4th Class Jiary Jasen Papa na parehong nag-collapse at dead on arrival sa ospital. REA SARMIENTO

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *