POWER THEFT SA ILOILO TALAMAK DAHIL NAPABAYAAN – SOLON

REP BARONDA

AMINADO si Iloilo Rep. Julienne Baronda na dumami ang illegal connections at naging talamak ang pagnanakaw ng koryente sa Iloilo City dahil na rin sa kabiguan na habulin at panagutin ang mga nasa likod ng ‘organized business’ na ito kaya naman kaisa ito ng lokal na pamahalaan na wakasan na ang nagaganap na electricity pilferage.

Ang pahayag ni Baronda ay bilang reaksiyon  sa ini­lunsad na crackdown ni Iloilo City Mayor Jerrry Treñas laban sa organized group na nasa likod ng talamak na pagnanakaw ng koryente matapos na ring makumpirma na nasa 30,000 ang illegal connections sa lalawigan.

Ang paglobo ng bilang ng mga gumagamit ng electric jumpers ang sanhi ng pagtaas ng systems loss na umabot na sa 9.3 percent. Ang halaga ng nakaw na koryente na ito ay ipinapasa rin sa lehitimong consumers kaya tumataas ang kanilang binabayarang singil sa kor­yente.

“Electricity pilferage has become a practice because the violators have gotten away with their crime but this should be put to a stop. The electricity pilfered or stolen are being charged to the others who religiously pay their dues.This is not fair,” pahayag ni Baronda.

Pinapurihan naman ni Baronda ang More Electric and Power Corp(More Power) sa naging inisyatibo nito na pagaangin ang requirements sa pag-aapply ng electic meter. Sa ganitong paraan, aniya,  ay mas marami ang mahihikayat na magpakabit na ng kanilang sariling kuntador ng koryente  na siya ring nakikitang solusyon sa paggamit ng jumper.

“I urge the Ilonggos to stop this electricity pilferage. I understand the new power distributor has made it easier for consumers to apply for their own meters, so this should dissuade them from resorting to illegal connections just to have power. Let us protect our interest. Let us not allow ourselves to pay for the electricity consumed by those who steal power through the systems loss. Let us report those who steal electricity instead of condoning the pilferers,” dagdag pa ng kongresista.

Sinabi ni MORE Power president Roel Castro na sa naging kasunduan nila sa city government  sa hanga-rin na rin na masolusyunan ang illegal connections ay mas pinadali ang requirements sa pagpapakabit ng kuntador ng koryente.

Ilan  umano sa dapat lang na isumite ay ang Certificate of Residency, government  ID , Oath of Under-taking of Connection and Meter at Electrical Safety Inspection Reports.

Ibinaba rin ng More Power sa P9 ang singil kada kilowatt/hour sa mga informal settler para mahikayat ito na magkaroon na sila ng sariling kuntador sa halip na magbayad sa mga illegal connections na naniningil sa kanila ng P20 kada kilowatt hour.

Inamin ni Castro na napabayaan ng dating power distributor na Panay Electric Company (PECO) ang pagdami ng mga gumagamit ng jumper, dahilan kung bakit pinakamataas ang singil sa koryente sa Iloilo City.

“Ilonggos had to pay for the electricity pilfered from such illegal connection for decades. Ilegal connec-tions do not just burden legitimate consumers who pay for stolen electricity but it also takes toll on the system which results in overloading,” paliwanag ni Castro.

Tukoy na umano ng More Power ang mga nasa likod ng organized business na pagnanakaw ng koryente sa Iloilo City at sa tulong ng lokal na pamahalaan sa inilusad nitong crackdown ay target nila ngayong 2020 na mapababa sa kalahati ang bilang ng mga gumagamit ng jumper.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *