PQUE CLEARING OPS TEAM KINASUHAN

Edwin Olivarez

NAHAHARAP sa kasong administratibo ang limang miyembro ng clearing operation ng Paranaque City matapos na mag-viral sa social media sa pananakit sa isang ambulant vendor sa Baclaran noong nakaraang Biyernes.

Ayon kay Mayor Edwin Olivarez, kasalukuyang suspendido na ang limang miyembro ng clearing operation na nahuli ng camera na gumamit ng ‘excessive force.’
Sinabi pa ni Olivarez na iniimbestigahan na rin ang pangyayari na posibleng matanggal pa ang mga ito sa serbisyo.

“Hindi lang po termination, kundi magkakaroon po sila ng administrative case na ifa-file ng ating city,” pahayag ng alkalde.
Aniya, nakita na meron “abuse of authority” ang ginawang panghuhuli kay Warren Villanueva.

“Makikita natin sa video na hindi tama yung ginawa ng task force kay Warren…Kitang kita ‘yung nangyari kay Warren na pinadapa sa kalsada, merong 5 task force members doon, binigyan pa ng posas at meron pang sumibat sa mukha. We will not tolerate this one,” diin ni Olivarez. MARIVIC FERNANDEZ

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *