PROMOSYON SA PNP INAPRUB NI DUTERTE

INAPROBAHAN ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang promosyon ng mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) kabilang dito ang isa sa mga Directorate for Integrated Police Operations (DIPO) General na si Major General Dionardo Carlos para sa ranggong Lieutenant General o 3-star matapos na irekomenda ng National Police Commission (NAPOLCOM).

Si Carlos ay kasalukuyang DIPO Visayas Director na miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class of 1988.

Ang pagtaas ng ranggo ng DIPO director ay batay na rin sa isinulong na resolusyon ni dating PNP Chief Camilo Pancratius Cascolan na mula sa dating 2-star ay magiging 3 star na ang mamumuno sa mga DIPO.

Ang DIPO ng PNP ay may limang sangay, ito ay DIPO Visayas , DIPO Eastern Mindanao, DIPO Western Mindanao, DIPO Southern Luzon at DIPO Northern Luzon.

Sila ang counterpart ng regional command ng Armed Forces of the Philippines (AFP) gaya ng AFP-SOLCOM, NOLCOM, EASTMINCOM at WESTMINCOM.

Samantala, maliban kay Carlos, angat din sa ranggo si Police General Joseph Ulysses Gohel na ngayon ay major general na; ang mga full colonel na sina Remus Medina, Tello Colte Ngis-O at Westrimundo Obinque ay pawang mga police generals na habang si Lieutenant Colonel Alex Fragat ay full colonel na. REA SARMIENTO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *