(PRRD binawi ang pagluwag sa age restriction sa MGCQ) EDAD 10-14 BALIK-BAHAY

DUTERTE-13

BINAWI ni Pangu­ long Rodrigo Duterte ang pagluluwag sa age restriction na maaaring lumabas sa Modified General Communi­ ty Quarantine (MGCQ) areas.

Paliwanag ng Punong Ehekutibo na peligroso pa ang kabataan sa new variant ng COVID-19.

Nangangahulugan na ang mga kabataang edad 10-14 ay dapat na manatili muna sa bahay at epektibo ito sa Pebrero.

Magugunitang noong isang linggo ay pinahintulutan na ng  Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID)) na makalabas ang mga kabataan simula Pebrero 1 subalit nagbago ang isip ng Pangulo at sa halip ay nais proteksiyonan ang mga menor de edad.

“He is taking back the earlier decision as a precautionary measure to protect young people,” bahagi ng statement ng Malacanang.

“So balik ho kayo sa bahay muna and besides ‘yung 10 years old to 14… Itong medyo matanda na mahirap itong i-manage but itong 10, 11, 12 puwede na ‘yan sila sa TV. They can glue their attention sa TV the whole day,” ayon sa Pangulong Duterte.

“Pasensiya na po kayo. Mine is just a precaution. Wala itong bisa… Takot lang ako kasi itong bagong strain strikes the young children,” paghingi ng paumanhin ng Pangulo sa publiko. EVELYN QUIROZ

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *