PRRD naisyuhan na ng national ID

MAYROON nang sariling Philippine Identification Card si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay makaraang iabot mismo kay Pangulong Duterte ni National Economic and Development Authority (NEDA) Acting Secretary Karl Kendrick Chua ang card sa Malakanyang.

Sa simpleng issuance ceremony ay nabigyan na rin ng national ID sina Senador Christopher Lawrence “Bong” Go at Executive Secretary Salvador Medialdea.

Ang Philippine Identification System o Philippine Identification Card ay ang official national ID card para sa bawat Filipino at foreign permanent residents na nasa Filipinas. EVELYN QUIROZ

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *