PSA FORUM

PSA Forum

ISANG three-part session ang matutunghayan sa webcast edition ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong Martes.

Tatalakayin sa 10 a.m. session ang launching ng PRURide Virtual Challenge, ang Pilipinas Obstacle Sports Federation (POSF), at ang katatapos na  2nd Professional Sports Summit hinost ng Games and Amusement Board (GAB).

Unang sasalang sina Pru Life UK Chief Customer Marketing Officer Allan Tumbaga, Pru Life UK Assistant VP for Brand and Advertising Kahlil Robles, at isang special Pru Life ambassador, na tatalakayin ang nalalapit na PRURide Virtual Challenge on PULSE.

Samantala, tatalakayin ni POSF president Atty. Al Agra ang mga programa ng federation na ipinatupad sa panahon ng pandemya sa public sports program na itinataguyod ng  San Miguel Corp., Go For Gold, MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Magbibigay naman ng update si GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra sa pro sports summit na hinost ng kanyang tanggapan noong weekend.

Ang Forum ay naka-livestream via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at isini-share din ng Radyo Pilipinas 2 Facebook page.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *