PUBLIKO PINAG-IINGAT SA SCAMMERS

BOC-NAIA-3

PINAG-IINGAT  ng Bureau of Customs (BOC) ang publiko   laban sa mga  mananamantala lalo na sa Ninoy Aquino International Airport habang ang Metro Manila ay sumasailalim  modified enhanced community quarantine dahil sa COVID-19 pandemic.

Ang babala ng BOC ay upang ipabatid sa publiko na  hindi  nangangailangan ng bayad  ang  parcel o  clearance fee  kahit pa mapa-telepono, money remittance centers o sa  personal account.

Paalala ng BOC, maging alisto sa papasukin na transaksiyon sa BOC dahil magaling gumawa ng paraan ang mga scammer upang makapambiktima sa pamamagitan ng paggamit ng pangalan ng isang Customs official  o iba pang empleyado ng ahensiya.

Para aniya makasiguro ay huwag magbayad  kung walang resibo ang kahera sa BOC pagkatapos magbayad ng duties and taxes.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *