(Puwede na sa taga-NCR simula Set. 16) LEISURE TRAVEL SA GCQ, MGCQ AREAS

Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat

PAPAYAGAN na ang leisure  travel mula sa Metro Manila patungo sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at modified GCQ (MGCQ) simula sa  Set. 16 hanggang 30 makaraang isailalim ang rehiyon sa Alert Level 4 sa pilot COVID-19 alert levels system.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, ang leisure travel ay maaaring ibalik sa naturang mga lugar kung papayagan ito ng mga LGU kung saan tinukoy niya ang ilang specific restrictions ng mga tulad ng Baguio na nasa ilallm ng GCQ at Batanes na naka-MGCQ na.

“(Travel is allowed in) GCQ to MGCQ and if LGU allows. Some LGUs are already under MGCQ but do not allow yet,” anang kalihim.

Hindi naman maaaring umalis ng kanilang mga tahanan para sa leisure travel ang mga residente ng NCR na may edad 18 pababa at 65 pataas alinsunod sa alert level 4 guidelines.

“Travelers will also be subject to reasonable restrictions based on age and comorbidities as may be determined by their respective LGU and the reasonable regulations of their destination’s LGU,” sabi ng DOT sa isang statement.

Ang mga lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) mula Set. 8 hanggang 30 ay ang Apayao, Bataan, Bulacan, Cavite, Rizal, Laguna, Iloilo Province, Iloilo City, Lucena City, at Cagayan de Oro City.

Nasa ilalim naman ng GCQ with heightened restrictions ang Ilocos Sur, Ilocos Norte, Cagayan, Pangasinan, Quezon, Batangas, Antique, Capiz, Cebu Province, Lapu-Lapu City, Negros Oriental, Naga City, Bacolod City, Zambaonga del Sur, Misamis Oriental, Davao City, Davao del Norte, Davao de Oro, Davao Occidental, at Butuan City.

Ang Baguio ay isinailalim sa GCQ subalit ang non-essential travel sa lungsod ay sinuspinde mula Set.  3 hanggang 19 habang ipinagpaliban ng Batanes, nasa ilalim ng MGCQ, ang pagtanggap ng mga turista mula sa ibang probinsya.

Pinapayagan na rin ang outdoor al fresco dine-in sa 30 percent venue capacity habang ang indoor dine-in ay pahihintulutan sa 10 percent lamang para sa fully-vaccinated individuals.

Ipinagbabawal naman ang staycations, indoor visitor o tourist attractions, at indoor venues para sa Meetings, Incentives, Conferences, Exhibitions (MICE) sa ilallm ng Alert Level 4. PNA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *