RACHELLE ANN GO SALUDO SA PROFESSIONALISM NI LEA SALONGA

RACHELLE ANN GO

NANGHINA­YANG ang tinaguriang International Theater Diva na si Rachelle Annreflection Go na hindi makakapag-guest sa Valentine concert niya ang long-time friend niya na si Popstar Princess Sarah Geronimo.

Sinubukan kasi ni Rachelle na imbitahan si Sarah na mag-guest for her concert titled “Rachelle Anne Go: The Homecoming” na gaganapin sa Marriott Grand Ballroom, Resort’s World Manila on February 14.

“Oo nga,” malungkot na ngiti ni Rachelle. “Actually, I messaged her. Sabi ko, ‘I’m having a concert. Can you guest? Guest ka naman. Mag-ano tayo.’ Actually, ang gusto ko YRS, tatlo kami nina Yeng (Constantino), Sarah and ako. Tapos ‘yun nga raw Feb 14. Sabi ko, ‘Huuuh?’E, naayos na lahat, ayun.”

Pero ‘di nawawalan si Rachelle na someday ay magkakasama-sama silang muli nina Yeng at Sarah sa isang concert.

And speaking of Sarah again, updated si Rachelle sa mga kaganapan sa buhay ng kaibigan niya lalo na sa lovelife nito kahit na nasa London siya. Kaya tuwang-tuwa si Rachelle when she found out na engaged na si Sarah sa fiancé niya na si Matteo Guidecelli.

“Super! Super saya ko! I’m happy for them, you know. Alam naman nila I’m always here for them. At saka kahit nandoon po ako (sa London), updated po ako.

Siyempre, sure na sure siya na a-attend sa wedding ni Sarah kay Mateo.

Kahit wala si Sarah sa concert niya on Valentine’s day sa Marriott Hotel, super excited pa rin siya dahil ang kapwa niya Miss Saigon and Les Misrables artist na si Lea Salonga ang isa sa special guests niya sa concert.

“She’s very professional. Ang sarap niyang makatrabaho ang isang taong professional at merong disiplina. At may pasyon, ‘di ba? Inpiras­yon ko talaga si Miss Lea pagdating sa work ethics talagang magaling. At ang daming payo na naibibigay sa akin. Ang sarap pakinggan ‘di ba? When you’re watching, when I first saw her sa concert, nu’ng nag-guest po ako? Naka-ganyan (nganga) sa kanya. Ano’ng tawag doon? Tulala ako. Kasi talaga, ang sarap pakinggan magsalita at kumanta. So, I’m so excited,” masa­yang sabi ni Rachelle.

Si Rachelle rin ang pam-buena manong handog ng Cornerstone Concerts under Cornerstone Entertainment Inc for 2020. Bukod kay Lea, special guests din sa “Rachelle Ann Go” The Homecoming” concert sina Idol Philippines Zephanie at si Erik Santos.

The concert’s director is Paul Basimillo and the musical director is Marc Lopez. Mabibili na ang ticket sa www.ticketworld.com.ph or call 8891-999. For more updates, follow Cornerstone Entertainment on social media.

Darating siyempre ang South African hubby ni Rachelle na si Martin Spiel to watch her concert at para i-celebrate na rin nila na magkasama ang Valentine’s Day.

“Of course, he has to be here. After the concert, we’re going somewhere. Pahinga kami. Bakasyon, for few days. And then, I need to be back in London mid-Feb, Feb 21, I think. Uh, ‘coz I’m rehearsing for Les-Mis. Kasi, mag-o-open kami March 2. Dire-diretso na yan.”

Tinanong namin si Rachelle kung kailan naman siya magkaka-baby.

“Excited na nga ako makita. Ano kayang combination?”

Meron naman daw silang plano ni Martin.

“Kaya lang for now, we want to travel. Kasi nga before the wedding, nag-i-start pa lang kami,e . Kumbaga, we’re building up foundation. Gusto namin ‘yung strong talaga. We want to travel and see the world.”

Wala naman daw silang preference ni Martin kung anong gender ang firstborn nila.

Pero malabo raw this year na magka-baby sila ni Martin.

“This year medyo naka-plano na tayo. Fully booked? Hahaha! I’m doing Les Mis (Miserables) in London. So, let’s see after that.”

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *