RED TIDE MULING NANANALASA

BFAR-RED TIDE

NAGBABALA ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ilang mga coastal areas sa bansa ang  nagpositibo sa red tide.

Dahil dito ay ipinagbabawal ng BFAR ang pagkain ng lamang dagat mula sa Biliran Islands; bayan ng Daus at lungsod ng Tagbilaran sa Bohol; Balite Bay at Mati City sa Davao Oriental; Guiuan, Eastern Samar; Cancabato Bay, Tacloban City at Calubian, Leyte; Milagros, Masbate; ambobo Bay sa Negros Oriental; Puerto Princesa Bay sa Puerto Princesa City at Inner Malampaya Sound sa Taytay, Palawan; Sorsogon Bay, Sorsogon; Hinatuan, Surigao del Sur (Hinatuan); Zumarraga sa Western Samar; at Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur.

Ayon sa BFAR, positibo pa rin sa paralytic shellfish poison ang tubig sa nasabing lugar, na lampas sa regulatory limit.

Positibo rin sa red tide toxin ang baybayin ng Matarimao Bay sa Eastern Samar; Daram Island at Cambatutay Bay sa Western Samar; at Carigara Bay sa Leyte.

Binigyang-diin ng BFAR na lahat ng uri ng shellfish at alamang na nakukuha sa naturang mga lugar ay hindi ligtas kainin.

Pwede ring kainin ang isda, pusit, hipon, at alimasag kung bagong huli at nilinis mabuti bago iluto. NENET L. VILLAFANIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *