REMITTANCE CENTER NINAKAWAN

pera hub

LAGUNA – PATULOY ang isinasagawang malalimang imbestigasyon ng pulisya kaugnay ng naganap na pagnanakaw sa Pera Hub (Western Union) sa Lopez Avenue, Bgy. Batong Malake, Los Banos.

Base sa inisyal na ulat ni PLt. Col. Reycon Garduque, hepe ng pulisya, nakilala ang biktimang si Elsa Morales, 52-anyos, Pera Hub Senior Assistant Manager, residente ng Bgy. Maahas, ng bayang ito.

Bandang alas-7:45 ng umaga ng Martes ay nadiskubre ng mga tauhan ni Morales na sina Eleanor Castro, Supervisor at Teller na si John Westley Paraiso, 23 ang naganap na insidente habang aktong binubuksan ng mga ito ang roll up door ng naturang estabilisimiyento.

Sinasabing nagawang palitan ang lock nito bukod pa ang puwersahang pagbubukas ng vault sa loob samantalang wala din nakitang force entry ang mga ito sa lugar.

Sa tala ng pulisya, lumilitaw na posible umanong naganap ang pamamasok ng mga suspek nakaraang Lunes ng gabi kung saan tinangay ng mga ito ang nasa halagang P650 libong pisong cash na laman ng vault.

Kaugnay nito, inaalam ngayon ng pulisya ang posibleng pagkakakilanlan sa mga suspek sa pamamagitan ng mga CCTV ng estabilisimiyento. DICK GARAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *