RESIGNATION NI RIO TINANGGAP NA NI DUTERTE

Eliseo Rio Jr

TINANGGAP na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resignation ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary Eliseo Rio Jr. na inihain tatlong buwan na ang nakalilipas.

Ito mismo ang kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque kung saan una na itong tinanggihan ni Pangulong Duterte noong Marso.

“The Palace thanks Usec. Rio for his invaluable services to the nation and we wish him well in his future endeavors,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang tweet.

Magugunitang naghain ng resignation si Rio noong Enero 31makaraang lumutang ang umano’y isyu sa P300-milyong confidential funds ng DICT.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *