RETIRADONG PULIS TUMBA SA TANDEM

CAGAYAN-PATAY ang isang retiradong pulis matapos magtamo ng isang bala ng baril sa dibdib mula sa kalibre 45 nang barilin ng riding in tandem sa may Barangay Barancuang, Tuao ng nabanggit na lalawigan.

Kinilala ng Tuao Police Station ang biktima na si Nestor Daracan, 62-anyos, may asawa risedente ng Centro Dos, Tuao, Cagayan.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, habang tinatahak ng biktima ang daang maharlika lulan ng kanyang motorsiklo, may isang motorsiklo na lulan ang dalawang kalalakihan ang biglang sumulpot at walang kaabog-abog na binaril ito dibdib na siya niyang ikinasawi.

Mabilis na tumakas ang dalawang salarin sakay ang motorsiklo sa hindi malamang direksyon.

Narekober ang mga kagawad ng SOCO ng tatlong basyo ng bala mula sa kalibre 45 baril sa lugar ng pinangyarihan ng krimen.

Patuloy naman ang isinasagawang pagsisiyat ang pulisya na ayon naman sa mga kamag-anak at asawa ng biktima ay wala umano silang alam kaaway nito. IRENE GONZALES

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *