(Sa average na 50%) PRESYO NG GULAY BUMAGSAK

gulay

MALAKI ang ibinaba ng presyo ng mga gulay habang nanatiling matatag ang presyo ng non-agricultural products, ayon sa Department of Agriculture (DA) at sa Department of Trade and Industry (DTI).

“Our (vegetable) prices are significantly lower at an average of 50 percent, much lower compared to February,” pahayag ni DA Secretary William Dar sa isang online press briefing kahapon.

Ayon kay Dar, dahil nasa season na, nag-uumapaw ang suplay ng mga gulay at mababa ang presyo.

Para sa non-agricultural products, sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na hindi nagkaroon ng pagtaas para sa basic necessities at commodities magmula noong September 2019.

“But notably, we are studying some requests given the increasing cost in the world market of their cost items,” wika ni Lopez sa parehong briefing.

Nangako ang dalawang opisyal na babantayan ang galaw ng mga presyo at supply ng food products sa domestic market upang matiyak na hindi papasanin ng mga Filipino ang mataas na presyo ng pagkain sa gitna ng pandemya.

Ang inflation noong Marso ay bahagyang bumagal sa 4.5 percent mula sa 26-month high na 4.7 percent noong Pebrero.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang pagbilis ng inflation rate ay bunga ng mas mataas na presyo ng pagkain sapul nang magsimula ang taon. PNA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *