SAFETY TIPS SA MGA FIRST TIME NA BIBIYAHE

SAFETY FIRST

Ni CS SALUD

KASABAY ng mainit na panahon ang pagtungo ng marami sa atin sa mga beach para magpalamig. Sa ganitong panahon nga naman nagpaplano ang bawat magkakapamilya, magkakaibigan at magkakatrabaho na magtungo sa ibang lugar nang makapag-bonding at makapag-relax.

Kaya naman sa mga mahihilig bumiyahe ngunit gagamit o sasakay sa pampublikong sasakyan, narito ang simpleng tips na kailangang isaalang-alang:

IWASAN ANG PAGSUSUOT NG MAMAHALING ALAHAS

Saan man tayo tutungo o pupunta at kahit na anong panahon pa iyan o pagkakataon, dapat nating iwasan ang pagsusuot ng mga mamahaling alahas. Hindi natin natitiyak kung safe ang pampublikong sasakyang ating kinalululanan. Kaya’t para makaiwas sa kahit na anong problema, iwasan ang pag-susuot ng mga mamahaling alahas. Gayundin ang paggamit ng mga designer o mamahaling bag.

HUWAG BASTA-BASTA MAGLALABAS NG GADGET

Marami ang puwedeng mangyari habang nasa biyahe tayo. Puwedeng mayroong nagmamanman sa atin at naghihintay lang ng tamang tiyempo para maloko o maisahan tayo.

Kaya naman, upang maging matiwasay ang pagbiyahe sakay ng pampublikong sasakyan, huwag basta-basta maglalabas ng kahit  na anong kla­seng gadget.

MAG-INGAT SA MGA MANDURUKOT

Mainam din kung ma­giging mapagmatiyag sa paligid. Maraming mandurukot sa paligid. Hindi maiiwasang makaharap tayo ng masasamang loob. Kaya naman, bantayan ang mga gamit at huwag na huwag ihihiwalay ang tingin sa mga ito.

HUWAG BASTA-BASTA MAGTITIWALA

Sabihin na nating may mga natitirang mababait pa rin sa mundo. Gayunpaman, sa rami ng manloloko ay mas kaila­ngan nating mag-ingat.

Kaya kung bago ka sa isang lugar, huwag kaagad na magtitiwala sa mga taong ngayon lang nakaharap o nakilala. Kilatising mabuti ang mga makas-asalamuha.

MAG-RESEARCH SA DARAYUHING LUGAR

Pagiging handa ang isang paraan upang makarating nang matiwasay sa pupuntahang lugar. Kaya naman, upang ma­ging handa sa pupuntahang lugar, mainam kung magre-research tungkol sa darayuhin. Alamin din ang kultura at ugali ng locals na makasasalamuha o madaratnan sa iyong pagbaba-kasyunan.

Upang makarating ng ligtas sa pupuntahan, mas mainam na may kaalaman. Maging alerto sa bawat minuto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *