SAMU’T SARI ART EXHIBIT

ArtisteSquare Gallery

BINUKSAN  kamakailan ang Samu’t Sari art exhibit na kinatatampukan ng mga obra na gamit ang iba’t ibang media.

Matutunghayan ang kahanga-hanga at detalyadong mga obra ng pinaghalong mga baguhan at batikang mga alagad ng sining  sa ArtisteSquare Gallery sa 2/F Unimart Capitol Commons sa Pasig City.

Tampok dito sina Esang Adame, Kaye Agustin, Phoebe Beltran Almazan, Arnel Borja, Marpolo Cabrera, Larie Dianco, Meo Diez, Buboy Dinapo, Aiza Domingo, Bing Famoso, Worth Harold Lee, Gigi Manalastas, Erniel Nanola, Krishna Nanola, Meo Pid, Victor Puruganan, Karla Sajona, Viel Samaniego at Gabriel Villalobos.  Habang guest artists naman sina Juno Galang, Nemi Miranda, August Santiago at Bing Siochi.

Bukod naman sa kanyang painting  ay  naka-display rin sa exhibit ang stoneware pots na likha ng flora and fauna advocate na si Bing Famoso.

Dumalo naman sa opening ang  kapwa alagad ng sining na si Al Perez kasama sina Mr. Reinier Suva (Unimart Marketing Head), Mr. Ramon Uy ng Unimart,  Mr. Arnel Borja, at marami pang iba.

Ang exhibit ay magtatagal hanggang sa Disyembre 31, 2020.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *